Friday, August 1, 2008

Looking Back at the Champion's Day

Ang sarap ng piling na maghari sa isang Online Game, lalo na kung ang iyong makakalaban sa huling yugto ay ang mga kilalang magagaling at dalubhasa sa larangan ng Online Games. Ang tinutukoy ko po ay ang laban ng Team Philippines vs. Team Korea, kung matatandaan natin nag-kampyon ang Team Philippines sa nakaraang With Your Destiny World Championship League o mas kilala sa tawag na Supreme Destiny WCL. Napakalaking karangalan nito sa ating bansa na mag-kampyon tayo at ang kalaban natin ay ang mga Koreans. Muli aming binabati ang mga magigiting na manlalaro ng Supreme Destiny PH sa pagtaas ng ating bandila at pagpapakilala sa husay at galing ng mga PINOY! Mabuhay! :)

Ang bidyong ito ay kuha nung araw ng laban ng Team Philippines sa Team Korea sana magustuhan nyo :)

No comments: